*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ni Kagawad Leonar Adam ng Brgy. San Fermin sa Lungsod ng Cauayan ang isyu kaugnay sa kinukumpuning daan na sakop ng Pampublikong Pamilihang Palengke ng lungsod na ito ay pagsasaayos na pinondohan ng lokal na pamahalaan.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Kagawad Adam, nakatakda na rin ang pagsasaayos ng ilang barangay roads sa kanilang nasasakupan ngunit prayoridad sa ngayon ng kanilang barangay ang paglalagay ng mga streetlights partikular sa lugar na madidilim.
Ayon pa kay Kagawad Adam, 70 streetlights na ang kanilang inisyal na naipapatayo sa ilang lugar sa barangay at kanilang napailawan na.
Ilan din aniya na kanilang nasimulan na ay ang pagsasaayos ng ilang mga barangay roads gaya sa kalapit na pribadong lugar na magdudugtong hanggang sa isang malaking pamilihang grocery store sa palengke.
Inaasahan naman na maisasaayos na ang ilang daan sa nasabing barangay upang higit na mapakinabangan ng publiko.