Pinag-aaralan na ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang mga ilalatag na seguridad para sa ikalawang araw ng gagawing plebisito sa February 6 kaugnay pa rin sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato na sa kabila na naging payapa at maayos ang unang araw ng plebisito kahapon at maliit na area na lamang ang kanilang babantayan para sa pangalawang araw ng plebisito ay magpapakampante na sila.
Sa katunayan puspusan pa rin ang kanilang mga hakbang para sa ilalatag na seguridad para sa February 6.
Ia-apply pa rin aniya nila ang mga inilatag na seguridad sa unang araw ng plebisito at kung may adjustment ay kanila itong gagawin.
Facebook Comments