Paglalayag ng mga barko at maliliit na bangka sa ilang bahagi ng Occidental Mindoro, sinuspende ng PCG

 

Nag-abiso sa publiko at sa mga mangingisda Philippine Coast Guard (PCG) hinggil sa suspensyon ng paglalayag o pagbiyahe ng mga barko at maliliit na bangka sa Western Seabord ng Southern Tagalog ngayong araw dahil sa gale warning ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa anunsyo ng Coast Guard Station Occidental Mindoro, pinapayuhan ang mga barko, bangka ng mga mangingisda at iba pang passenger boat sa bayan ng San Jose at Magsaysay na huwag munang maglayag o dumaan sa bahagi ng dagat dahil sa malakas na alon at kondisyon.

Partikular na pinag-iingat ang mga barko at bangkang may bigat na 250-gross tonnages at pababa.


Ayon sa Coast Guard, makabubuting hintayin ang deklarasyon ng PAGASA bago bumalik sa pagbiyahe para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Paalala pa ng PCG, manatiling nakatutok rin sa ilalabas na anunsiyo kung saan ang may schedule naman na biyahe ay makipag-ugnayan sa shipping line upang malaman ang proseso.

Facebook Comments