Paglalayag ng mga barko ng China malapit sa Pag-Asa Island, kumpirmado

Manila, Philippines – Namataan ang paglalayag ng iba’t ibang Chinese ships sa Pag-Asa Island sa West Philippine Sea (WPS) sa pamamagitan ito ng inilabas na satellite images ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI).

Ayon sa AMTI, mahirap tukuyin kung pawang mga maritime militia ang mga namataang barko pero dalawa ang natiyak nilang nangingisda dahil kita ang mga lambat sa tubig.

Una nang isiniwalat ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang mga aktibidad ng mga sasakyang pandagat sa WPS.


Hindi naman ito kinumpirma nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Allan Cayetano pero, sabi ni Cayetano hindi dapat maalarma ang Pilipinas kung may makitang Chinese vessels sa mga isla.

Facebook Comments