Paglikas ng mga Japanese na nasa Wuhan, China – ipinag-utos na ni PM Abe

Ipinag-utos na ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang paglikas ng mga kababayan nito mula sa Wuha City, China – ang itinuturing na ‘ground zero’ ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay PM Abe – nakikipag-coordinate na sila sa Chinese government at minamadali na ang evacuation.

Sa datos ng kanilang foreign ministry, nasa halos 500 Japanese ang nasa Hubei Province.


Sa ngayon, aabot na sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng n-CoV sa Japan.

Ang China ay pinakamalaking trading partner ng Japan.

Facebook Comments