Paglikas ng nasa 15 mga Pilipino sa Gaza, tinututukan na ng Embahada ng Pilipinas

PHOTO: UN Relief and Works Agency

Tinututukan ng Embahada ng Pilipinas ang kanilang plano para mailikas ang nasa 15 mga Pinoy pa na nasa Gaza.

Kasunod nito, patuloy ang kanilang isinasagawang koordinasyon sa Jordan at Egypt.

Ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos, nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa mga Pilipino communities dahil nawalan sila ng komunikasyon kamakailan.


Pagtitiyak nito na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa Embahada ng Egypt para sa mabilis na paglikas ng ating mga kababayan.

Tiniyak naman ni Santos na ligtas na makababalik sa Pilipinas ang mga kababayan nating naipit doon.

Facebook Comments