Mabilis na pagproseso sa dumarating na pasahero kahit rush hour, tiniyak ng BI

Siniguro ng Bureau of Immigration (BI) na mabilis pa rin ang kanilang pagproseso sa mga dumarating na pasahero kahit rush hour.

Kasunod na rin ito ng reklamo ng isang pasahero na mahabang pila pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Paliwanang ni Tansingco, kaya nagkaroon ng mahabang pila sa Terminal 1 kahapon ng umaga dahil na rin sa walong sabay-sabay na eroplanong dumating lulan ang halos 1,800 na pasahero.


Gayunman, mabilis naman umanong naiproseso ang mga pasahero at pagkatapos ng 40 minuto ay wala nang pila.

Tiniyak din ng Immigration chief na kumpleto ang tauhan ng BI na nagmamando sa lahat ng mga e-gate at lahat ng mga ito ay nagpa-function.

Facebook Comments