Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na ang paglilitis sa plunder case laban kay dating Senator Bong Revilla.
Ito ay makaraang pagtibayin ng Sandiganbayan 1st Division ang una nitong pagbasura apela ni Revilla na i-dismiss plunder case laban sa kanya kaugnay ng pork barrel scam.
Batay sa walong pahinang resolusyon – hindi pinagbigyan ng anti-graft court ang Motion for Reconsideration ni Revilla sa unang resolusyon noong February 23 na nagbasura sa quashal bid ng dating mambabatas.
Nahaharap si Revilla sa plunder at graft charges dahil sa umano’y pagbulsa ng 224.5 million pesos na kickback sa kanyang Priority Development Assistance Fund na inilagay sa mga pekeng non-government organizations ni Janet Lim Napoles.
DZXL558
Facebook Comments