Paglimita sa non-working holiday, kinatigan ng ilang senador

Mas pabor kay Senator Cynthia Villar na limitahan lamang ang non-working holiday sa Pilipinas.

Ayon kay Villar, na isa ring negosyante, malaki ang epekto sa ekonomiya kung hindi malilimitahan ang holiday partikular ang mga non-working holiday sa bansa.

Sinabi ng senadora na huwag masyadong damihan ang non-working holiday dahil apektado ang trabaho ng mga nasa gobyerno at mga pribadong kumpanya dahil nagpapasweldo pero wala namang production at mas malaki rin ang nagagastos.


Sa kabilang banda ay wala namang problema ang senadora kapag working holiday kahit pa may dagdag na bayad ito sa mga manggagawa at empleyado.

Aniya, ayos lamang sa kanya ang working-holiday dahil karaniwan lang naman na may magpoprograma para magdiwang o gunitain ang araw na iyon pero pumapasok at tuloy pa rin sa trabaho ang ating mga workforce.

Facebook Comments