Paglimita sa pag-export ng langis ng niyog dahil sa mataas na presyo ng cooking oil, pinag-aaralan na ng PCA

Pinag-aaralan na ng Philippine Coconut Authority (PCA) na limitahan ang pag-export ng langis ng niyog para mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng cooking oil sa domestic at pandaigdigang merkado.

Ayon kay PCA Trade and Market Development Head Rose Villaruel, tumaas na ang presyo ng cooking oil, partikular na ang refined coconut oil at palm oil.

Aniya, tumaas ang presyo ng refined coconut oil sa P132 kada litro mula sa P107 kada litro noong Enero habang ang presyo ng palm oil ay tumaas sa P117 kada litro mula sa P88 kada litro sa kaparehong panahon.


Ang ang pagtaas aniya ng presyo ng langis sa pagluluto ay bunsod ng pagbabawas sa pandaigdigang supply ng palm oil gaya ng ginawa ng Indonesia para matiyak ang lokal nilang supply.

Batay sa PCA, ang taunang produksyon ng bansa ng niyog ay nasa 14 bilyong piraso kung saan 63 percent nito ay ginagawa bilang langis.

Habang 80 percent naman ng produksyon ng niyog sa bansa ay napupunta sa exportation.

Facebook Comments