Paglipat ng Philippine Crop Insurance Corp. sa ilalim ng DOF mula DA, kinuwestiyon ni BBM

90

Pinarerebisa ni dating Senador Bongbong Marcos ang Executive Order No. 148 na layong ilipat sa Department of Finance (DOF) ang pangangasiwa sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) mula sa Department of Agriculture (DA).

Giit ni Marcos, nangangamba ang mga magsasaka na maiba ang mga prayoridad ng PCIC at hindi na matugunan ang mga pangangailan ng mga magsasaka at sektor ng agrikultura.


Ang naturang crop insurance ay nagbibigay proteksyon sa mga magsasaka laban sa pagkalugi bunsod ng natural calamities, peste at mga sakit sa pananim.

Facebook Comments