Pagluluwag ng mga restiction sa gitna ng pandemya, maituturing mapanganib – OCTA

Itinuturing ng OCTA Research team na “risky” o mapanganib ang pagluluwag sa 50 percent seating capacity sa mga religious gathering at pagbubukas ng ilang negosyo at industriya na magsisimula sa Pebrero 15.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, naiintindihan nila ang pangangailangan ng pagbubukas ng mga negosyo at industriya pero sana ay ginawa ito “gradually” o paunti-unti.

Aniya, nasa kalagitnaan pa tayo ng pandemya at wala pa ring bakuna ang bansa kontra COVID-19.


Sinabi pa ni David na posibleng isipin ng mga tao na normal ang lahat dahil marami na ang lumalabas sa bahay.

Kasabay nito, hinimok naman ni David ang pamahalaan na pag-aralang mabuti ang mga patakaran hinggil sa pagluluwag ng mga restriction.

Facebook Comments