Paglutang ng mga Patay na Katawan sa Tuguegarao City, Pinasinungalingan

Cauayan City, Isabela- Pinabulaanan ni Mayor Jefferson Soriano Tuguegarao City ang kumakalat na impormasyon na may mga patay na katawan ang nagsisilutangan sa mga tubig baha dahil sa naranasang pag-uulan.

Ayon kay Mayor Soriano, nananatiling isa ang kumpirmadong patay na isang kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang isa rin ang bangkay na nasa barangay hall ng linao east at hindi matukoy kung saan nanggaling ang nasabing katawan dahil sa lakas ng agos ng tubig.

Agad naman aniya na ipapakuha ang mga pamilyang nalubog sa baha kung kaya’t kinakailangang sumunod ang mga ito para maiwasan ang paghingi ng saklolo sa gabi na mas delikado para sa panig ng mga rescue team at publiko.


Bukod dito, tumulong na rin sa paglikas ang ilang rescue team sa ilang lugar sa iba’t ibang rehiyon.

Nagtulong-tulong rin ang mga otoridad sa paglikas sa ilang mga pasyente ng COVID-19 pero tiniyak din ang kaligtasan ng mga ito para maiwasang mahawa ng nasabing virus.

Nabatid na umabot sa 3,000 families ang nananatili sa 19 na evacuation center habang 40 mula sa 49 barangays ang apektado ng malawakang pagbaha.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga residenteng inilikas.

Facebook Comments