Tuesday, November 10, 2026

PAGMAMANEHO NG MGA MENOR DE EDAD, IPINAGBABAWAL NG PNP BAUTISTA KAHIT SA LOOB NG BARANGAY

Nagbabala ang kapulisan sa mga residente laban sa pagpapahintulot sa mga menor de edad na magmaneho ng anumang uri ng sasakyan, kabilang ang motorsiklo at kotse, sa loob ng barangay.

Ayon sa paalala ng mga PNP Bautista, ang pagmamaneho nang hindi pa nasa tamang edad at walang kaukulang lisensya ay labag sa batas at maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng drayber at iba pang gumagamit ng kalsada.

Binigyang-diin din na ang sinumang lalabag ay papatawan ng kaukulang parusa alinsunod sa umiiral na batas at mga ordinansa.

Nagpahayag naman ang mga residente ng pagsang-ayon sa nasabing paalala at hinihilinh ang agarang paghihigpit sa pagpapatupad ng nasabing patakaran.

Samantala, nananawagan nMan ang kapulisan sa mga magulang at residente na makiisa sa pagpapatupad ng nasabing paalala upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments