Tuesday, November 10, 2026

BUONG PWERSANG PAGPAPATIBAY NG SEGURIDAD KONTRA-PAGNANAKAW, TINIYAK SA BARANGAY BONUAN BINLOC SA DAGUPAN CITY

Kasalukuyan ng nakikipag koordinasyon ang Pamahalaan ng Barangay Bonuan Binloc sa mga Awtoridad upang makahingi ng augmentation at mas paigtingin ang Seguridad ng mga residente at maiwasan ang Insente ng Pagnanakaw.

Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay Punong Barangay Wilmer Castañares, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng karagdagang hakbang upang higit pang mapabuti ang kaayusan at seguridad sa kalakalan sa kanilang barangay.

Dagdag pa ni Castañares, kabilang sa kanilang mga plano ang pagdaragdag ng mga CCTV camera sa iba’t ibang sulok ng barangay upang mas mapahigpit ang pagbabantay at monitoring sa lugar.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 24 na barangay tanod na nagsasalitan sa nakatakdang rotational schedule upang matiyak ang 24/7 na pagpapatrolya, partikular na sa mga oras ng gabi.

Samantala, tiniyak ni Castañares na lalo pa nilang paiigtingin ang koordinasyon sa mga awtoridad at mga residente upang mapanatili ang kaayusan, seguridad, at kapayapaan sa buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments