Pagmimina ng Oceana Gold Phils., Tinutulan ng Anti-Mining Group

*Cauayan City, Isabela*- Inamin ng ilang residente na nagmartsa kontra sa pagmimina ng kumpanyang Oceana Gold Philippines ang malaking perwisyo na dulot nito sa kalikasan.

Ayon sa mga kumakatawan kontra sa minahan ng Oceana Gold Phils., ilan sa mga kanilang inirereklamo ay ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at pag aamin din ng mga ito ang bumabang suplay ng tubig sa kanilang lugar nang simulan ang pagmimina.

Ayon pa sa mga residente na kontra sa pagmimina na patuloy silang nakikibaka para nga tutulan ang operasyon ng nasabing kumpanya at ilang nga sa mga hakbang na kanilang ipinapatupad ay ang hindi pagpapapasok ng mga equipment na gamit ng kumpanya sa lugar.


Kaugnay nito, nagsagawa din ng ‘Martsa ng Pag Asa’ ang ilang residente na pabor sa pagbabalik ng operasyon dahil kung sakaling tuluyan ngang hindi marenew ang operasyon ng nasabing kumpanya ay daan-daang mga empleyado ang posibleng mawalan ng hanapbuhay.

Patuloy namang hinihintay ang magiging desisyon ng korte kaugnay sa operasyon ng itinuturing na malaking minahan sa Probinsya ng Nueva Vizcaya habang sa darating na Enero 31, 2020 ay magtatapos ang nakasaad na operasyon ng kumpanya.

Facebook Comments