Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Army Capt. Rigor Pamittan, DPAO Chief ng 5th Infantry Division Philippine Army, malaki ang naging kontribusyon ng alkalde bilang katuwang ng kasundaluhan sa kanilang kampanya para wakasan ang insurhensiya sa Cagayan Valley at Cordillera Region.
Isa lamang aniya ang alkalde sa mga taong nagmulat sa mamamayan sa tunay na adhikain ng mga makakaliwang grupo na makapanghikayat ng mga tao para umanib sa kanila.
Ayon pa kay Capt. Pamittan, sa paraan na ginagawa noon ng alkalde ay nakapagbibigay rin ito ng mga impormasyon sa mga karatig rehiyon laban sa mga makakaliwang pangkat.
Si Mayor Ganggangan ay naging boses at nagsilbing tagapagtanggol ng Cordillera region lalo na sa mga kabataan laban sa pagmamanipula at pagrerekrut ng mga terorista-komunistang grupo.
Matatandaan na binawian ng buhay si Ganggangan matapos dumalo sa isang kasal noong Enero 29, 2022.