Pagpanig sa Maute group, mariing itinanggi ni Sen. Hontiveros

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Senator Risa Hontiveros ang kumalat na fake news sa social media hinggil sa umanoy pagkampi niya sa Maute terror group.

Ang nabanggit ang grupo ang umatake sa Marawi City kaya inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng martial law ang buong Mindanao.

Giit ni Hontiveros, fake news ang nasabing artikulo na nagsasaad na nauunawaan niya ang ipinaglalaban ng Maute terrorist group.


Binigyang diin ni Hontiveros na ang Maute group ay kalaban ng kapayapaan at pagunlad lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Para kay Hontiveros, malinaw na terrorist act ang ginawa ng grupo sa marawi at dapat kondenahin ng lahat.

Kasabay nito ay nagpahayag ng tiwala si Hontiveros sa na kayang kayang talunin ng Armed Forces of the Philippines ang Maute terror group.

Dapat aniyang papanagutin ang grupo ng hindi nasasakripisyo ang ating pagiging makatao at pagmamahal sa demokrasya.
DZXL558

Facebook Comments