Pagpapaalis sa 300,000 immigrants na naninirahan sa Estados Unidos, pinayagan na

Pinayagan na ng US Court of Appeals (CA) ang desisyon ni US President Donald Trump na paalisin ang libo-libong immigrants na naninirahan sa US na nabigyan ng Temporary Protected Status (TPS).

Ayon sa 9th Circuit Court of Appeals, sa botong 2-1, mapapawalang-bisa na ang TPS status ng aabot sa 300,000 immigrants na nagmula sa El Salvador, Haiti, Nicaragua at Sudan.

Ilang grupo naman ang tumutol sa desisyon ng CA dahil ipinapakita lang nito ang pagsuporta sa tila pagiging racist ni Trump.


Facebook Comments