Ginagawan rin ng paraan ng Department of Transportation (DOTr) na maging abot kaya ang pamasahe sa mga barko.
Sa Laging Handa briefing, sinabi DOTr Sec. Jaime Bautista na inutos niya na sa mga namumuno sa mga pantalan na pag-aralan ang charges o mga sinisingil sa mga kumpanya ng barko.
Ito ay upang kahit papaanoy hindi na madagdagan ang kanilang gastos at hindi na rin magtaas at sa halip ay magbawas pa ng pamasahe para sa mga pasahero.
Ginawa ni Bautista ang utos matapos ang pagbisita kamakailan sa mga pasilidad sa mga pantalan.
Ayon kay Secretary Bautista, kinausap at ipinaliwanag niya sa department heads kung anong direksyon ang nais ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Kabilang aniya dito ang mabigyan ng abot-kaya, komportable at ligtas na biyahe ang mga pasahero.