Pagpapabakuna laban sa COVID-19, mahirap pang gawing mandatory

Para kay Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go, mahirap pa sa ngayon na gawing mandatory ang pagbabakuna sa mamamayan laban sa COVID-19.

Ipinaliwanag ni Go na nasa panahon pa ngayon ng pag-develop ng vaccine sa bagong sakit na COVID-19 kaya hindi maiwasan ang agam-agam ng mga tao sa mga bakuna.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na dapat unahin muna na ipaintindi sa taumbayan ang kahalagahan ng bakuna para makamit ang herd immunity upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.


Giit ni Go, dapat pag-aralan munang mabuti dahil hindi talaga maaaring obligahin ang taumbayan sa pagpapabakuna.

Muli namang ipinaalala ni Go na tanging ang bakuna lang ang paraan para unti-unting makabalik sa normal ang buhay ng mga tao.

Facebook Comments