Unang batch ng Sputnik V, dumating na sa Makati

24

Dumating na sa lungsod ng Makati ang unang batch ng Sputnik V COVID-19 vaccine.

Sa Makati Coliseum dinala ang mga bakuna na siyang inoculation facility ng lungsod.


Aabot naman sa 3,000 doses ng Sputnik V ang natanggap ng Makati.

Agad namang sisimulan bukas ang pagbabakuna ng Sputnik V sa mga Makatizen partikular ang mga nasa A1 hanggang A3 priority list bilang bahagi pa rin ng Bakuna Makati Program.

Kabilang pa sa mga lungsod na nabigyan ng unang batch ng Sputnik V ang Taguig, Parañaque, Maynila at Muntinlupa.

Facebook Comments