Manila, Philippines – Inihayag ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na si Pangulong Rodrigo Duterte lang ang may kakayahan para mapabilis ang kanselasyon ng Joint Venture Agreement sa pagitan ng Tagum Agricultural Development Company (TADECO) at Bureau of Corrections.
Ito ang sinabi ni Aguiree sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kasama ang House Committee on Justice alinsunod na rin sa resolusyong inihain mismo ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ayon kay Aguirre – batid nila na kakain ng panahon ang pagsasawalang saysay sa kasunduan ng BUCOR at TADECO kung kaya ang kanselasyon na desisyon ng Pangulo ang pinakamabilis na paraan para mangyari ito.
Isa rin sa mga nakikita nilang paraan para tuluyan nang makansela ang nasabing kasunduan ay dapat magpetisyon sa korte ang BUCOR.
Ang TADECO ay pagmamay-ari ng pamilya ni Davao Del Norte Rep. Antonio “Tonyboy” Floirendo na siyang pinakamalaking election contributor ng Pangulong Duterte noong halalan.
DZXL558