MANILA – Ikinatuwa ng United Nations Special Rapporteur ang pagpapahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa madugong kampanya nito kontra sa iligal na droga.Sa kanyang tweet, sinabi ni Dr. Agnes Callamard na ‘welcome’ ang naging hakbang ng administrasyon na pansamantalang nagpapatigil ng giyera kontra droga.Sa kabila nito, iginiit ni Callamard na dapat pa ring isulong ang imbestigasyon sa mga sangkot sa mga naunang extrajudicial killings sa bansa at mapanagot ang mga may gawa ng mga ito.Matatandaang nakatakda sanang bumisita sa bansa si Callamard nitong Enero upang imbestigahan ang mga kaso ng extrajudicial at summary killings.Pero naudlot ito dahil sa paglalatag ng pangulo ng mga kondisyon bago payagan ang special rapporteur na mag-imbestiga na ayon kay callamard ay paglabag sa umiiral na un protocol.
Pagpapahinto Ni Pangulong Rodrigo Duterte Sa Kampanya Nito Kontra Sa Iligal Na Droga, Ikinatuwa Ng Un Special Rapporteur
Facebook Comments