Nilinaw ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na magbahay bahay nalamang ang kanilang pagddidistribute ng mga food stubs kung saan ang mga Barangay Captain ang inatasan na mamahagi sa 6,000 katao na kanilang pakakainin araw araw bilang tugon sa ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte na Total Lockdown.
Ayon kay Mayor Nieto pinaplantsa na ngayon ng Cainta Rizal Government ang pamamahagi ng mga Food Stubs sa mga residente ng Cainta Rizal.
Paliwanag ng alkalde una nang napagkasunduan na papipilahin ang mga tao pero nagbago ang kanilang desisyon dahil sa umiiral sa Social Distancing.
Dagdag pa ni Nieto na plano ng Cainta Rizal Government na uunahin ang mga residenteng nawalan ng trabaho at tunay na nangangailangan ng tulong upang maibsan ang kanilang nararanasang gutom.
Giit ng alkalde huwag mag alala ang mga taga Cainta dahil susuportahan sila ng Cainta Rizal Government hangga’t hindi pa matatapos ang laban kontra COVID-19.