Isinulong ng mag-asawang sina Malabon Rep. Veronique Lacson-Noel at An Waray Rep. Florencio Noel na ituring na krimen ang paggawa at pagpapakalat ng fake news.
Nakapaloob ito sa inihain nilang House bill 2971 na mag-aamyenda sa Cybercrime Prevention Act.
Sa kasalukuyan ang umiiral na batas laban sa fake news ay nakapaloob sa Article 154 ng revised penal code na inamyendahan noong 2017.
Sa nasabing batas ay nakapaloob ang parusa sa mga nagpapakalat ng fake news na pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan at multa na aabot sa ₱40,000 hanggang ₱200,000.
Diin ng dalawang kinatawan, hindi maaaring palagpasin ang misinformation at disinformation na lumalason sa isip ng publiko sa pamamagitan ng pagbaluktot sa katotohanan.
Facebook Comments