Iginiit ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang pangangailangan na mapatawan na ng buwis ang mga pinakamamayaman sa bansa kasama na ang mga mapagsamantalang negosyante.
Mensahe ito ni Castro makaraang magpakamatay ang isang magsasaka ng sibuyas sa Bayambang, Pangasinan dahil sa pagkalugi sa inaaning sibuyas kaya nabaon at hindi nakabayad sa utang.
Ayon kay Castro, Nakakalungkot at nakakagalit na dahil sa pagkalubog sa utang ay nagpapakamatay na ang ating mga magsasaka ng sibuyas samantalang binabarat ang kanilang mga produkto at binebenta sa napakataas na halaga sa mga palengke.
Punto ni Castro, ang mga magsasaka ang nagpakapagod pero iba ang kumikita tapos ayaw pa ng pamahalaang Marcos na buwisan ang mga napakamayayaman sa bansa tulad ng mga trader na nagsasamantala sa mga magsisibuyas.
Bunod nito ay hiniling ni Castro sa gobyerno na tulungan ang mga magsasaka at papanagutin at kasuhan ng economic sabotage ang mga traders at kanilang protektor na nasa likod ng cartel ng sibuyas at iba pang produktong agrikultura.