“Unli kilo” ng sibuyas sa Kadiwa Store sa DA, dinagsa!

Dinumog ng mga nais makabili ng murang sibuyas ang Kadiwa Store sa tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City.

Ito ay makaraang i-anunsyo ng nagtitinda na “unli kilo” ng sibuyas ang maaari nilang mabili.

Kaya naman alas otso pa lang ng umaga kanina, umabot na hanggang North Avenue sa Elliptical Road ang pila ng mga mamimili.


Bukod sa puting sibuyas na ₱150 per kilo at pulang sibuyas na ₱200 per kilo, may mabibili rin na hugis pahabang pulang sibuyas sa halagang ₱150 kada kilo.

Samantala, sa Kadiwa Center sa Las Piñas City, puting sibuyas lang ang mabibili pero mas mura ito na ₱100 lang kada kilo.

Nagmura na rin ng ₱30 hanggang ₱100 ang presyo ng iba pang gulay doon gaya ng cauliflower, broccoli, carrots, spinach, kamatis at talong.



Galing ang mga ito sa Baguio City.

Facebook Comments