Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng tubig sa mga dams sa kasagsagan ng mga nagdaang bagyo.
Nabatid na nababahala ang ilang local government units hinggil sa kawalan ng koordinasyon sa mga nangangasiwa ng dam sa pagpapalabas ng tubig na siyang nagpalala ng baha sa ilang bahagi ng Luzon.
Paliwanag ni Pangulong Duterte, ang pagpapakawala ng sobrang tubig sa mga dam ay layong hindi masira ang mga dam at hindi pa magdulot ng matinding sakuna.
Ang mga malalakas na bagyong dumaan sa bansa ay dulot na rin ng climate change.
Matibay ang kanyang mensahe sa mga bansang malaki ang naiaambag sa pagbabago ng klima ng mundo.
Una nang nanawagan ang Pangulo sa ASEAN virtual summit ng ‘climate justice’ at igiinit na ang mga mayayamang bansa ay mayroong moral responsibility na bawasan ang kanilang carbon dioxide emissions.