Cauayan City, Isabela- Magpapakawala na ng tubig ang National Irrigation Administration (NIA) mula sa Magat Dam ngayong araw ng Lunes, November 9, 2020.
Ito ang kunumpirma ni Engr. Wilfredo Gloria, Department Manager ng NIA-MARIIS sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.
As of 10:00am ngayong araw, November 9, 2020, umabot na sa 190.17meter above sea level ang ang reservoir water level ng Magat Dam, 2184-cubic meter per second ang Inflow, 250 cms ang Ourflow habang ang spilling level nito ay 193.00 meters.
Isang (1) yunit ng spillway gate ang nakatakdang bubuksan mamayang alas 3:00 ng hapon na may opening na isang (1) metro.
Ito’y upang mapanatili sa ligtas na sukat ang tubig sa Dam na sanhi ng buhos ng ulan dulot ni Tropical Depression Ulysses.
Pinapayuhan naman ang lahat na iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib.
Ang mga gamit at alagang hayop ay dalhin sa ligtas na lugar, makinig sa radio o manood sa telebisyon para sa mga susunod na mga ulat panahon at sa kalagayan ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam Spillway Gate.