Pagpapakita ng booster card bago payagang makapasok sa establisyemento, hindi pa napapanahon

Mahirap pang gawin sa ngayon ang isinusulong ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion, na gawin na ring requirement ang pagkakaroon ng booster card sa National Capital Region (NCR).

Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni Infectious Disease Specialist Dr. Edcel Salvaña, na malayo pa tayo sa senaryong marami na ang nakatanggap ng booster shot.

Ani Salvaña, marami pa rin kasi tayong mga kababayan na ni isang dose ng bakuna ay wala pa habang ang iba naman ay naghihintay pa para sa kanilang 2nd dose.


Paliwanag nito, focus muna ngayon ng gobyerno ang pagbibigay ng primary doses kasunod ang pagbibigay ng booster shot.

Kung kaya’t hindi pa napapanahon na isakatuparan ang panukalang “No booster card, No entry” Policy sa mga establisyemento.

Facebook Comments