Proper waste disposal ng mga ospital, dapat sundin ayon sa isang infectious disease expert

Ipinaalala ni Dr. Edsel Salvaña, isang Infectious Diseases Specialist ang kahalagahan ng proper disposal ng medical waste.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Salvaña, na mayroong guidelines na inilabas ang Department of Health (DOH) na dapat sundin ng mga ospital at laboratoryo pagdating sa kanilang waste disposal.

Aniya, mahalagang masunod ito o hindi dapat mag-shortcut upang hindi kumalat ang sakit tulad ng COVID-19.


Facebook Comments