Pagpapakulong sa magulang ng mga menor de edad na mahuhuling lumalabag sa mga ordinansa sa Maynila, ipinag-utos ni Mayor Isko

Nagbanta si Manila Mayor Isko Moreno sa mga magulang sa Lungsod ng Maynila na magpapabaya sa kanilang mga menor de edad na mga anak na mahuhuling lumalabag sa iba’t ibang ordinansa sa gitna ng pandemya.

Kaugnay nito, inatasan na ni Moreno si Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Rolly Miranda at ang Manila Social Welfare Department na arestuhin at ikulong ang mga iresponsable at mga pabayang mga magulang, kasunod ng datos na libu-libong menor de edad ang nahuli sa hindi pagsusuot ng face masks at paglabag sa curfew.

Sinabi ni Moreno na marami sa mga ito ay pinabayaan ng kanilang mga magulang at ilan sa mga nahuli ay nagpositibo rin sa COVID-19. Umapela rin ito sa mga magulang na maging responsable sa kanilang mga menor de edad na anak lalo na ngayong hindi pa natatapos ang pandemya.


Facebook Comments