
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagbibigay sa Department of Education (DepEd), ng P910 million na pondo para sa tig-isang libong pisong insentibo para sa mga pampublikong guro sa bansa.
Ang nabanggit na insentibo ay pakikinabangan ng 910,000 na mga pampublikong guro, para sa selebrasyon ng World Teacher’s Day sa ika-lima ng Oktubre.
Ang pagbibigay ng insentibo sa mga guro ay nakapaloob sa Republic Act no. 10743 o mas kilala sa tawag na “An Act Declaring the Fifth Day of October Every Year bilang National Teacher’s Day”.
Ang pagkilala sa teaching profession ay nagsisilbing pagpupugay sa hindi matatawarang serbisyo, at mahalagang kontribusyon ng mga guro sa paghubog sa kaisipan, values at karakter ng mga kabataang Pilipino.
Facebook Comments









