Tumauini, Isabela – Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng ibat-ibang aktibidad upang ipalaganap ang karapatan at kaigihan ng mga kababaihan at ng mga bata.
Ito ngayon ang ilan sa mga pinagkakaabalahan ng PNP Tumauini, Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan News Team kay PCI Noel Magbitang, ang hepe ng naturang bayan. ito ay bahagi ng kanilang 18 araw na kampaya ng kanilang hanay para sa isang VAWC-free community.
Sa larawang ibinahagi ng Tumauini PNP station, ay makikita ang paglalagay ng isang tarpaulin sa harap ng PNP outpost na nagpapaalala sa adbokasiya laban sa karahasan kontra sa mga kababaihan at kabataan na makakatulong ng malaki para sa maayos na lipunan.
Ang kanilang kampanya ay nagsimula noong Nobyembre 25 at magtatapos sa December 12, 2017.
Ang tema ng kanilang kampanya na kung saan ay kasama ang pamimigay ng mga fliers at pagsasagawa ng mga pulong sa mga kumunidad ay “VAW-free community starts with me”.