Pagpapalakas ng mga regional offices at mataas na sahod ng mga guro, nakamit sa ilalim ng pamumuno ni Outgoing DepEd Secretary Leonor Briones

Iniulat ni Department of Education (DepEd) outgoing Secretary Leonor Briones ang nagampanan ng kagawaran sa ilalim ng kaniyang liderato.

Sa isinagawang Farewell and Welcome Ceremony sa DepEd Central Office sa Pasig, tinukoy ni Briones ang polisiya niya ng regionalization o pagpapalakas ng regional offices ng DepEd.

Sa halip na ang tradisyonal na manggagaling sa central office ang mga polisiya, binigyan niya ng kalayaan ang mga regional offices magdesisyon sa polisiya ng bagong paraan ng paghahatid ng kalidad na edukasyon.


Ipinagmalaki rin ni Briones na simula noong 2016 ay unti-unting naitaas ang sahod ng mga guro.

Mula sa basic salary na ₱19,000 noong 2016, naitaas ito sa ₱25,000 basic salary noong 2022.

At kung ma-promote pa sa Master Teacher, Doctor of Philosophy, o Master’s degree, ang suweldo ng isang guro ay maaring umabot hanggang ₱62,000 kada buwan.

Facebook Comments