DILG Secretary Benjamin Abalos Jr., nangakong ipagpapatuloy ang mga nasimulan sa war on drugs

229

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr., na ipagpapatuloy niya ang kampanya kontra-droga.

Kabilang na rito ang pagbuo ng mga polisiya upang mapabuti ang mga programa ng DILG.

Gayunman, ang pagtutuunan niya ng pansin ay ang pagsasampa ng kaso sa mga drug suspects.


Ito’y upang masiguro na wala umanong kaso na madi-dismiss at makukulong ang mga mapatutunayang lumabag sa batas.

Aniya, kailangan dito ang aktibong pakibahagi ng ibang mga ahensya ng pamahalaan.

Gayundin ang kooperasyon ng mga komunidad upang magkaroon ng komprehensibong kampanya laban sa ilegal na droga.



Facebook Comments