Pagpapalawig ng ECQ sa Metro Manila, hindi isinasantabi ng IATF

Hindi isinasantabi ng Inter-Agency Task Force na palawigin pa ang umiiral na Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.

Bukas, Agosto 20 nakatakdang matapos ang dalawang linggong Ecq na ipinatupad dahil sa banta ng mas nakakahawang COVID-19 Delta variant.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, bukod sa pagpapalawig ng ECQ, sinisilip din nila na ibaba na sa MECQ ang NCR para makapagbukas na ang ilang mga negosyo.


Ngayong araw ay muling magpupulong ang IATF para talakayin ang susunod na quarantine classifications sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Samantala, nilinaw naman ni Año na wala nang pondo sa ngayon para sa karagdagang cash aid sakaling mapalawig pa ang ECQ nang isa pang linggo.

Facebook Comments