Umapela ang OCTA Research Group sa pamahalaan na palawigin pa ng isang linggo ang General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa NCR Plus areas.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, mas makabubuting pag-aralan muna kung luluwagan ang quarantine classification at gawing “gradually” o dahan-dahan ang pagbubukas ng ekonomiya.
Aniya, bagama’t bahagyang bumaba ang trend ng COVID-19 cases sa NCR Plus, hindi pa masasabing kung magpapatuloy ang pababang ng mga maitatalang kaso.
Batay sa tala ng OCTA, ang Metro Manila ay may one-week case growth rate na -1% mula May 24 hanggang 30 kumpara sa -36% noong nakaraang mga linggo.
Mayroon naman ang NCR na reproduction number o bilis ng hawaan na 0.69 habang ang positivity rate ay nasa 5%.
May bahagya ring pagbaba ng kaso sa Cavite at Laguna na may one-week case growth rates na 6% at 4%.