Umani ng suporta mula sa mga senador ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang Enhanced Community Qurantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar hanggang May 15 gayundin ang pagpapatupad ng General Community (GCQ) sa mga lugar naman na wala ng covid cases.
Sina Senate President Tito Sotto III at Senator Christopher Bong Go ay kabilang sa mga deriktang nagrekomenda nito sa Pangulo.
Diin naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, ilang milya pa ang ating layo para mapababa ang kaso ng COVID-19 at malaki ang naitulong ng ECQ.
Inaasahan na ni Senate President Ralph Recto ang pasya ng pangulo kasabay ang mungkahi na pagtuunan ang mass testing para maibukod at magamot ang mga positibo sa virus.
Tama para kay Senator Sonny Angara ang pasya ng gobyerno at pinairal lang ni pangulong duterte bilang ama ng bansa ang pagkonsidera sa kapakanan ng lahat.
Diin pa ni Angara, ang desisyon ng pangulo ay nakabase sa isinagawang konsultasyon sa mga eksperto at pinuno ng mga kinauukulang departamento at sa mga datus gayun din sa karanasan ng ibang mga bansa.
Nakatwiran para kay Senator Koko Pimentel ang 15-araw na ECQ extension kasabay ang paggiit na dapat kakambal nito ang paghahanda at pagtiyak na sapat ang kagamitan at medisa sa mga covid facilities o mga ospital.
Suportado din ni Opposition Senator Francis Kiko Pangilinan ang ECQ extension pero hiniling nito na paigtingin pa ang covid testing, contact tracing, proteskyon sa mga health workers, at tiyaking sapat ang pasilidad para sa mga COVID patient.
Suhestyon din ni pangilinan na bigyan ng sapat na pondo ang pananaliksik para sa COVID-19 vaccine, siguraduhin na mabibigyan ng tulong ang mga higit na nangangailangan at tiyakin na may sapat ng pagkain at ayuda sa gma magsasaka.