Pagpapalawig sa paggamit ng satellite technology para mapabilis ang internet, itinutulak ng isang kongresista

Isinusulong ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda na palawigin ang gamit sa satellite technology upang mapabilis ang internet speed sa mga malalayong lalawigan.

Sa inihaing Satellite-Based Technologies Promotion Act of 2020 ni Salceda, pinapaamyendahan nito ang paggamit ng satellite technology na kasalukuyang limitado lamang sa telecommunications companies.

Sinabi ng kongresista, dahil sa COVID-19 ay naging mahalagang bahagi ng economic activities at recovery ang internet.


Subalit ang mabagal na internet speed at mahal na halaga ng internet sa bansa ang nagpapahirap para sa estratehiya ng work-from-home at distance-learning.

Sa ilalim ng panukala, binibigyang mandato ang Department of Information and Communication Technology (DICT) na i-regulate ang paggamit ng satellite-based technologies na labas sa commercial telecommunications.

Pinapayagan din sa panukala ang pagtatayo at pag-o-operate ng Internet Service Providers (ISPs) at Value-Added Services (VAS) ng sariling network gamit ang satellite technology nang sa gayon ay mapalawak ang kompetisyon sa pagitan ng service providers habang magmumura naman ang internet cost at gaganda ang benepisyo para sa mga customer.

Facebook Comments