Pagpapalawig sa Tax Amnesty, isinulong ng isa pang kongresista

Isinulong ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na mapalawig ng dalawang taon o hanggang June 14, 2025 ang deadline ng Estate Tax Amnesty na nakatakda sa June 14, 2023.

Ang mungkahi n Lee ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill 7842 na layuning mabigyan ng mas mahabang panahon na magbayad nang walang multa ang mga kababayan natin na mayroong hindi nabayarang estate tax.

Tiwala si Lee na sa ganitong paraan ay mababawasan ang pasanin ng mamamayan na patuloy humaharap sa epekto ng pandemya at mataas na presyo ng mga bilhin at serbisyo.


Diin ni Lee, sa pagpapatupad ng mga programa tulad ng Estate Tax Amnesty ay nabibigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na talagang makabangon mula sa mga pinapasang kaliwa’t kanang hamon at mas makapag-ambag bilang produktibong bahagi ng lipunan.

Bukod kay Lee ay may ihain na ring kaparehong panukala si House Speaker Martin Romualdez.

Facebook Comments