Manila, Philippines – Isusulong din sa Kamara na palawigin ang termino ng mga barangay officials.
Ang mungkahing ito ay kasunod na rin ng pagkakaapruba kahapon sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ng pagpapaliban ng Barangay at SK Election sa May 2023.
Paliwanag ni Isabela Representative Faustino Dy, kulang at napakaikli ng tatlong taon para magawa ng mga barangay officials na matapos ang kanilang mga proyekto at programa sa mga barangay.
Si Dy na dating Presidente ng mga Liga ng Barangay ay planong isulong na gawing 5 taon at dalawang termino ang termino ng mga opisyal ng barangay mula sa kasalukuyang tatlong taon at tatlong termino.
Nakausap din umano ng kongresista ang mga barangay officials at sangayon sila na palawigin ang termino sa 5 taon para sa continuity ng kanilang programa.