PDBF, nagluluksa sa pagpanaw ng kanilang mga kasamahan sa trahedya sa Boracay

Nagluluksa ang Philippine Dragon Boat Federation o PDBF sa trahedya sa Boracay kung saan nasawi ang pitong miyembro ng Boracay Dragon Boat team.

Sa isang statement, sinabi ng PDBF na ipinagdarasal nila ang mga biktimang namatay at umaasa sila ng agarang paggaling ng survivors sa trahedya.

Base sa ulat na nakarating sa PDBF, lumubog ang 20-seater dragon boat ng Boracay dragon boat group na kilala bilang “Dragon Force” habang nagsasanay sa Tulubhan Bay, Manoc-Manoc, Boracay.


Nabatid na sasali sana ang grupo sa isang international competition.

Hinihimok naman ng PDBF ang mga dragon boat team sa bansa na laging tiyakin ang seguridad ng mga dragon boat peddlers tulad ng paggamit ng personal floatation device upang maiwasan ang sakuna.

Facebook Comments