Pagpapalawig sa wiretapping at pagkulong sa mga hinihinalang terorista, isinusulong

Manila, Philippines – Isinusulong ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana na dagdagan ang ngipin ng batas kontra terorismo.

Sa ilalim kasi ng Human Security Act of 2007 o batas laban sa terorismo, pinapayagan ang wiretapping sa telepono ng isang pinagdududahan ng isang terror suspect.

Pero kailangang may permiso ito ng Court of Appeals at pwede lamang itong tumagal ng hindi lampas sa tatlumpung araw.


Ayon kay Lorenzana, ang nasabing batas ay okay noon nang hindi pa uso ang cellphone.

Aniya, ngayon kung aamyendahan ang anti-terror law, gusto niyang palawigin hanggang 90-days ang panahon na pwede silang makapaniktik.

Bukod pa rito, nais din ng opisyal na dagdagan ang panahon na maaaring ikulong ang isang hinihinalang terorista na wala pang kaso habang nakumakalap sila ng ebidensya.

Facebook Comments