Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na ipaubaya sa korte ang pagdi-desisyon ukol sa pagpapalaya kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Paliwanag ni Sotto, nakulong si Pemberton alinsunod sa itinatakda ng ating batas kaya dapat ito rin ang maging batayan sa kanyang paglaya.
Binigyang diin ni Sotto na ang batas at hindi ang emosyon ang dapat masunod para kay Pemberton na nahatulang guilty sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.
Ikinatwiran pa ni Sotto na dapat pairalin ang batas kahit sa mga dayuhan na katulad ni Pemberton.
Facebook Comments