Pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa, bumabagal; Magandang development sa hanay ng mga Pinoy sa abroad, nagpapatuloy

133

Nakapagtala lamang ang Department of Health (DOH) ng 2,529 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa harap ito ng pagbukas na rin ng iba pang mga negosyo sa bansa.

Sa ngayon, ang total COVID cases na sa bansa ay 234,570 kung saan ang active cases ay 69,112.

1,136 naman ang bagong nakarecover kaya ang total recoveries ngayon ay 161,668.

Habang 53 ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay 3,790.

Samantala, patuloy na bumababa ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga Pilipino sa abroad

3 lamang ang bagong kaso ngayon sa mga Pinoy sa ibayong dagat kaya ang total cases ay 10,116.




9 naman ang nakarecover kaya ang total recoveries ay 6,284.

Habang isa ang binawian ng buhay kaya ang total deaths sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 758.

Facebook Comments