Pagpapalaya kay Senador Leila de Lima, hiniling pa ng ilang kongresista

Nanawagan pa ang ilang kongresista sa Kamara na palayain na si Senador Leila de Lima.

Kasunod na rin ito ng pagbawi ni self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa mga naunang pahayag nito sa joint investigation sa Senado kung saan idinidiin nito sa kalakaran ng iligal na droga ang mambabatas.

Ayon kay Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate, dahil sa mga naranasan ni De Lima, ipinapakita lamang kung paano ibinababa at sinasamantala ng administrasyong Duterte ang demokratikong institusyon at proseso laban sa kanilang mga kritiko.


Hindi lamang mga ordinaryong magsasaka, taong-simbahan, mga tsuper, mamamahayag, aktibista kundi maging ang elected officials tulad ni De Lima ay target na rin ng red-tagging, pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso at kahit extrajudicial killings.

Hiniling ng kongresista na palayain na ang senadora dahil sa pagbawi ni Espinosa sa mga ibinabatong alegasyon laban dito.

Maging ang political prisoners na ikinulong ng walang sapat na batayan ay iginiit din na mapalaya na.

Facebook Comments