Pagtanggap ng pasyente sa ER ng Gat Andres Bonifacio Medical Center, lilimitahan

Pansamantalang lilimitahan ng Gat Andres Bonifacio Medical Center ang pagtanggap ng pasyente sa Emergency Room.

Batay sa memorandum na inilabas ng direktor ng ospital na si Dr. Teodoro Martin, sinimulan itong ipatupad kaninang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga sa Mayo 2.

Dahilan ng nabanggit na hakbang ay upang bigyang daan ang gagawing paglilinis at disinfection sa Gat Andres Bonifacio Medical Center na matatagpuan sa Delpan, Tondo sa Maynila.


Ang mga pasyente na hindi matatanggap sa Emergency Room nito ay ire-refer sa ibang district hospitals sa lungsod.

Facebook Comments