Manila, Philippines – Naniniwala si COMELEC spokesman James Jimenez na malaki ang magiging epekto nito sa paghahanda sa 2019 Midterm Election kung ipagpapaliban ang SK at Barangay Elections sa Oktubre taong ito.
Ayon kay Jimenez, halos dalawang milyong balota na ang naiimprenta ng Nationa Printing Office kung saan tinitiyak nila tapusin ang 77 milyong balota na target matapos ang pag-iimprenta sa Oktubre taong kasalukuyan.
Magkaiba kasi ang pananaw ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado, nais ng Kamara na gawin ang SK at Barangay Elections sa Mayo 2018 pero ang Senado naman pabor na ipagpaliban ito sa Oktubre sa susunod na taon matapos maipasa sa 2nd reading ang pagpapaliban nito.
Paliwanag ni Jimenez, kulang ang panahon ng COMELEC para paghandaan nang maigi ang botohan sa Midterm Election sa 2019 kung ipagpaliban ang SK at Barangay Election.